Buwan ng Wika 2013
WIKA: Pambuklod sa Bansa
by Ritz Pagalan Zate on Tuesday, August 12, 2013 at 2:37pm ·

Wika: Pambuklod sa Bansa

 

Kung ang isang bansa’y malaya’t tagumpay,

Mamamayan nito’y may sigla ng buhay,

Tulad nitong bayang kay tagal malumbay,

Matutong gumising, wala ng kaaway

 

Sa pagtatalungan ng bawat nilalang,

At kaalinsabay ng diwa ng bayan

Tayo lumaya hindi na mga mangmang,

Malayo ang tanaw, magtagumpay lamang

 

Anumang adhikain mapapasa atin,

Kung  ang bawat isa’y taos ang hangarin

Makipagtulungan sa mga Gawain

Madaling uunlad itong bansa natin

 

Huwag nating biguin an gating bayan

Sigat Jose Rizal ang mismong nagsabi

Ang hindi magmahal sa wikang sarili

Mahigit pa sa hayop na nakadidiri

____________________________________

Wika Natin ang Daang Matuwid
(tula ni Khen)
Pilipino saan ka man sa mundo
Anuman ang inyong etniko
Nakatira ka man sa alinmang pulo
Pinagkakaisa tayo ng wikang Filipino
Sa ating bansa pinamumunuan tayo ng ating butihing pangulo
Upang sa mga desisyon natin ay magkaisa tayo
Sa pagpapaunlad at pagpapatakbo sa bansang ito
Kaya layunin ng pangulo ating isapuso
Ayon sa pangulo, "wika natin ang daang matuwid"
Ito ang magiging sandata upang labanan ang mga taong ganid
Sa lipunan at sa pamahalaan ito'y magsisilbing tabak
Upang supilin ang mga taong may masamang hangad
Makipot man daan patungo sa katwiran
Mahirap man sa karamihan na sundin ang kabutihan
Kung gawin nating wika ang daang matuwid
Pagkakaisa, pag-unlad at kaligayahan naman ang siyang hatid


______________________________________

FILIPINO

Filipino ang ating wikang pambansa Wikang nagbubuklod sa kabuuang bansa Wikang nagbubukal ng isipan at diwa  Ng mga pangarap at mga adhika
Ito ang wikang ginamit ng mga katipunero Nang pambansang kalayaan ipinaglabang totoo Ang sigaw ni bayaning si Andres Bonifacio Mabuhay ang PILIPINAS!Mabuhay Pilipino!
Linangin natin ito at pakalinangin  Wikang ibinigay ng Amang Diyos sa atin Si inay sa kanyang kundimang awitin Tahana'y pasayahin,Sanggol patulugin.
Ito'y unang binatay sa Wikang tagalog non, Ang wikang ginamit ng mga maharlikang taga ilog Itinanghal na pambansang wika ni pangulong Manuel L Quezon Isang wikang malambing at taga sa panahon! 
O Pilipino! O mamamayang pilipino! Sa pagdaraan nitong ikatlong milenyo Saanman tayo magpunta,saanman magtungo Ikarangal,Ipagmalaki WIKANG PILIPINO! 
____________________________________

to get more tula please subscribe:

 

Mga Kasabihang Pilipino at Salawikaing Tagalog
Filipino Proverbs


Ang mga kasabihan at salawikain ay naglalayong magbigay payo at patnubay sa ating pangaraw-araw na pamumuhay. Ang mga kasabihang Pilipino at salawikaing Tagalog  ay isinasaad sa mga maiiksing pangungusap lamang subalit ang mga eto ay makahulugan at makabuluhan. Eto ay kadalasang tumatalakay din sa mga karanasan ng ating mga ninuno at nakatatanda at naglalayong ituwid ang ating  pamumuhay ng naaayon sa kanilang mga naging karanasan. Heto ang ilan sa ating mga kasabihan at salawikain, kasama ang
maiksing pagpapaliwanag sa ibig sabihin ng mga eto:

“ANG TAONG NAGIGIPIT AY SA PATALIM KUMAKAPIT”

Ang taong nagigipit ay napipilitan minsan na gumawa ng mapangahas na hakbang na maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang  magipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na pangangailangan sa pera ay nagagawang mangutang ng patubuan, tulad ng 5-6, na nagiging  dahilan upang siya ay mabaon sa utang at lalu pang maghirap.

“KAHIT SAANG GUBAY AY MAYROONG AHAS”

Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa ng mga bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa.

“KUNG ANO ANG ITINATANIM,  SIYA RIN ANG AANIHIN”

Kung ano ang ginawa mo sa kapwa ay kadalasang ganun din ang gagawin sa iyo. Halimbawa, kung naging matulungin ka sa kapuwa
mo ay tutulungan ka rin nila.

“KUNG ANO ANG PUNO, SIYA RIN ANG BUNGA”

Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang. Sapagkat ang mga magulang ang humuhubog sa pagkatao at pag-
uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at pag- uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang) anak, ay karaniwang ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga magulang.

“KUNG HINDI UKOL, HINDI BUBUKOL”

Ang suwerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi talagang nakalaan para sa iyo.

“KUNG MAY ISINUKSOK, MAY DUDUKUTIN”


Matutong magtipid upang sa oras nang pangangailangan ay may perang  makukuha sa sariling ipon upang hindi na umasa sa tulong ng ibang tao.

“KUNG SINO ANG PUMUTAK, SIYA ANG NANGANAK”
Kung minsan ay kung sino pa ang nangangatuwiran ay siya pala ang mali. At kung sino pa ang nagkakaila ay siya pala ang may gawa o may  sala.

“MAGKULANG KANA SA IYONG  MAGULANG, HWAG LANG SA IYONG BIYENAN”

Kadalasang ipinapayo eto sa mga nagbabalak magpakasal at sa mga bagong mag-asawa upang mapabuti ang kanilang pagsasama. Ang mga magulang kase ay higit na mapagtatakpan o mapapatawad ang mga pagkukulang ng sariling anak.

___________________ 

to get more tula please subscribe:

EXAMINATION:

Mga Saksi ng Kasaysayang pilipino:

Gawain 3: Hanapbuhay


QUIZ

ARALING PANLIPUNAN 7

Naawan National High School










(Leave empty)